Oh well, here I go again…

Munting Tinig

Holy week na. Ano ba ang maaring puntahan para di ako mabagot. Kailangan ko mag-bakasyon. Gusto ko umalis sa paligid na familyar. Gusto ko mabasa ang aking paa sa malamig na tubig ng dagat.

Kailangan ko tumakbo. Tumakbo ng dahan-dahan. Dahan-dahan kong tatahakin ang bagong landas. Hindi ko nga alam kung nawawala ako. Basta diretso lang.Tuloy-tuloy lang. Aabot din ako sa dulo. Sa dulo ng daan, hindi ko inaasahan ko makikita ko ang kasagutan. Ang masaya, ginawa ko sya. Di ako umupo sa gilid ng tulay at tumingin lang sa mga nagdaraang bangka sa ilalim ko. Siguro may ADHD nga ako, di ako makapakali. Marami ako hinahanap kahit lahat nasa aking mga palad na. Pero masaya maghanap. Kapag wala ka na hinahanap, bulag ka na. Sabog ka na. Wala ka na pag-asa. Ang tao ay nabubuhay dahil meron sya kailangang araruhin sa araw-araw. Walang saysay ang buhay mo kung ang balak mo sa buong umaga ay tumingin sa bintana para bilangin ang mga ibong makikita mo sa mga puno.

Mayroong tinig sa iyong puso. Isang tinig na munti ngunit masidhing bumubulong, tumatawag, naririnig. “Hoy, asan ka na?.” Kung ang sagot mo “ay andito pa.” Patay tayo dyan.

May paa tayo para sumikad. Literal na sumikad. Ang mga ninuno natin ay mga nomad. Sanay tayong mawala at makabalik kung saan man tayo nanggaling. At isa pa, ang taba ko na para umupo lang maghapon dito sa opisina.

Kailangan ko ng preskong hangin. Maski dalawang araw lang. Naman.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s